Close

Acceptance sa courtesy resignation ng ilang opisyal ng PhilHealth, inaantay pa- Duque

Sponsor ads


Nilinaw ngayon ni Health Secretary Francisco Duque III na wala pang official acceptance sa courtesy resignation ng ilang opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Itoy matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw na sa pwesto ang mga opisyal ng Philhealth kaugnay ng nabistong “Ghost Dialysis” Scam.

Ayon kay Duque kailangan muna ng acceptance bago sila umalis sa kanilang pwesto.

Sa ngayon aniya ay magta-transition planning na dahil sa hindi naman daw puwedeng basta iwanan na lang at maantala ang serbisyo ng PhilHealth.

Una rito, sinabi rin naman ng pangulo na hindi niya palalampasin ang nasabing mga anumalya, dahil malaking pera ang nawala sa Philhealth dahil sa mga bogus