Close

Abra, posibleng alisin sa listahan ng areas of concern sa midterm polls

Sponsor ads


Pinag-aaralan ngayon ng Police Regional Office-cordillera Police Regional Office–Cordillera (PRO-Cor) na tanggalin na sa listahan ng areas of concern ang Abra para sa 2019 midterm elections.

Ayon kay PRO-Cor regional director Pol. C/Supt. Rolando Nana, nananatiling tahimik ang buong lalawigan simula pa lamang ng election period.

Ito ay kasunod din ng naganap na sagupaan ng dalawang political clan sa bayan ng Lagayan noong January.

Aniya, mula noong magsimula ang campaign period noong February 12, wala pang naitatalang election-related incidents sa buong Abra.

Pero, nakahanda pa rin umano sila sa deployment plan sa mga lugar na may naitalang karahasan noong mga nagdaang eleksyon kabilang na ang bayan ng Langiden at Laghayan.

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang PRO-Cor sa kanilang counterpart mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para paghandaan ang deployment ng composite teams ng pulisya at militar sa mga lugar na kailangan ng mahigpit na seguridad.