Close

ASG sub-leader, member, patay sa magkasunod na engkwentro sa Sulu

Sponsor ads


Napatay ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf sa magkahiwalay na engkwentro nitong Biyernes.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (Wesmincom), kinilala ang mga suspek na sina ASG sub-leader Hatib Munap Binda at Bensio Barahama, ama ng isa pang Abu-sub leader na si Sansibar Bensio.

Sinabi ni Wesmincom commander, Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., batay sa kanilang records, si Binda ay ang senior leader ng ASG na nag-ooperate sa mga munisipalidad ng Kalingalan Caluang and Panamao, Sulu.

Si Binda umano ay miyembro ng teroristang grupo mula pa noong 2002.

Aniya, si Binda ay associate ng nasawing ASG sub-leader Alhabsi Misaya at sangkot sa mga kidnappings sa tri-boundaries ng Malaysia, Indonesia, at Pilipinas.

Napatay si Binda matapos maka-engkwentro ang Marine Battalion Landing Team-1 sa Bud Bawis Complex, Barangay Kawasan, Panamao, Sulu kahapon ng madaling araw.

Narekober din sa encounter site ang isang M16 rifle at isang M14 rifle.

Makaraan ang isang oras, naka-engkwentro naman ng isa pang team ng MBLT-1 ang ASG group na nasa ilalim ng sub-leader nitong si Sansibar Bensio ilang metro ang layo sa naunang encounter site.

Sinasabing sangkot si Bensio ng Panamao-based ASG sa kidnap-for-ransom activities na target ang foreign nationals kabilang na ang Swiss national na si Lorenzo Vinciguerra at Indonesians na sina Maharudin Bin Lunani at Muhammad Farhan.