Close

ASF, hindi gaanong makakaapekto sa inflation ayon sa DOF

Sponsor ads


Pinawi ng Department of Finance ang pangamba na makakaapekto sa inflation ng bansa ang pagpasok ng African Swine Fever na pumatay sa ilang alagang baboy sa Rizal.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, bagama't nakababahala ang inaasahang epekto ng ASF sa presyuhan sa merkado, pahuhupain naman ito ng meat alternatives tulad ng manok, baka at isda.

Tatamaan aniya ang 260-billion peso hog industry ng Pilipinas ngunit maliit lamang ang porsiyento nito sa consumer price index.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, 4.8 percent lamang ng inflation ang kontribusyon ng fresh, chilled o frozen meat habang 9.6 percent naman ay nagmumula sa bigas.

Kabilang rin sa mga tradisyunal na CPI components ay frozen fish, gulay, prutas at produktong petrolyo.

Sa taya ng Department of Agriculture, aabot sa 12.7 million ang populasyon ng baboy sa bansa kung saan walong milyon ang inaalagaan sa mga probinsya o rural backyards.
#