Close

AFP sa mga Muslim:'Maging mapagmatyag ngayong Ramadan'

Sponsor ads


Nagpaalala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga kababayan nating Muslim na maging mapagmatyag ngayong ginugunita ang buwan ng Ramadan.

Sa isang statement, sinabi ni AFP spokesperson Col. Edgard Arevalo na kaisa ng mga Muslim ang AFP para sa isang buwang penitensya at pagdarasal para ipaalala sa ating lahat ang kalahagahan ng kapayapaan, pagmamahal, at pagtutulungan.

Pero kasabay ng selebrasyong ito, naka-alerto umano ang AFP laban sa mga indibidwal o grupo na posibleng maghasik ng karahasan.

Nanawagan naman ang militar sa publiko na makipagtulunganpara maiwasan ang panggugulo sa kasagsagan ng Ramadan at para mapanatili ang kaayusan sa buong selebrasyon.