Close

AER, tutol rin na suspendihin ang reformed fuel excise tax rates

Sponsor ads


Tutol rin ang Action for Economic Reforms (AER) sa panawagang suspendihin ang reformed fuel excise tax rates sa ilalim ng comprehensive tax reform law

Ayon kay AER coordinator Filomena Sta. Ana, ito umano ay magreresulta ng paghina ng ekonomiya at pagtaas ng inflation kung saan hindi maaabot ang development targets lalo na sa poverty reduction.

Mababatid na sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, binabaan ang personal income tax rates at itinaas naman ang excise tax sa petroleum products at automobiles at ipinatupad ang levy sa sugar-sweetened beverages.

Dahil dito, ang pagtaas sa presyo ng petroleum products ang nag-udyok para sa mga panawagang suspendihin ang reformed excise taxes sa petroleum products.