Close

ADU, nasungkit ang first win vs. FEU sa UAAP women's volleyball

Sponsor ads


Minarkahan ng 1 loss ng Adamson University Lady Falcons ang record ng Far Eastern University Lady Tamaraws sa UAAP Season 80 women’s volleyball.

Ito ay matapos na talunin ng Adamson team ang Tamaraws sa score na 25-23, 19-25, 25-22, 21-25, 15-12 sa kanilang laro kahapon na ginanap sa Filoil Flying V Centre.

Sinabi ni Lady Falcons head coach Air Padda, kinailangan nilang manalo laban sa Lady Tamaraws dahil ito ang magsisilbing 'confidence booster' ng players para sa buong season.

Dagdag ni Padda, "evenly matched" na ang dalawang koponan na kapwa may 1-1 win-loss record.

Pinangunahan ng AdU Skipper na si Jema Galanza ang laro ng Lady Falcons matapos mag-ambag ng 26 points.

Kapwa 25 points naman ang ibinigay ng mga beteranang sina Mylene Paat at Joy Dacoron habang 11 points naman ang iniambag ng rookie na si Chiara Permentilla.

Bigo naman ang FEU na ulitin ang 19-25, 25-21, 18-25, 25-20, 15-9 opening game win kontra Ateneo de Manila University.




Image from: foxsports.ph