Close

95.7% ng 2020 budget, nailabas na ng DBM sa unang 8 buwan ng taon

Sponsor ads


Nailabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P3.92 trilyon mula sa P4.10 trilyong 2020 national budget sa unang walong buwan ng taon.

Ayon sa DBM, nitong katapusan ng Agosto, nailabas na nila ang 95.7 percent ng 2020 program of appropriations.

Ang unang walong buwang release ay mas mataas kumpara sa 91.4 percent ng allotments na nailabas sa parehong period noong 2019.

Nasa P2.13 trilyon ang nailabas para sa iba't-ibang programs/activities/projects (PAPs) ng line agencies sa nasabng period; 90.6 percent ng kabuuang P2.35 trilyong programmed appropriations para sa PAPs ng line agencies.

Dahil dito, mayroon na lamang balance na P221.38 bilyon na mailalabas sa hinaharap.

Mula sa programmed P491.42 bilyong appropriations for Special Purpose Funds (SPFs), nakapaglabas na sa ngayon ang DBM ng 60.5 percent o nagkakahalaga ng P297.40 bilyon.

Samantala, umabot na sa P1.27 trilyon ang allotment releases para sa automatic appropriations, mas mataas kumpara sa fiscal year 2020 program.