Close

90-day talks sa pagresolba ng US-China trade dispute, sinimulan na

Sponsor ads


Inanunsyo ni United States President Donald Trump na nagsimula na ang usapan para maresolba ang kanilang trade dispute sa China at tatagal ito ng 90 araw at madagdagan pa kung ie-extend.

Nagsimula ito nang magkita sina Trump at Chinese President Xi Jinping at nagkasundong iroll back ang exchange ng tariffs sa daan-daang bilyong dolyar sa two-way trade.

Pero, sinabi ni Trump ang posibilidad ng extension.

Matapos ang meeting, pumayag ang Washington na itigil ang banta ni Trump na tataasan ang taripa sa $200 billion ng Chinese imports sa 25 percent simula January 1.

Bilang ganti, sinabi ng China na bibili sila ng "Very substatial amount" ng US agricultural, energy, industrial, at iba pang produkto.