Close

9 potensyal na female suicide bombers, naaresto sa Sulu

Sponsor ads


Kinumpirma ng militar na naaresto ng mga otoridad ang siyam na mga potential suicide bombers na konektado sa mga lider ng Abu Sayyaf sa magkakahiwalay na operasyon sa Sulu.

Ayon sa Joint Task Force (JTF) Sulu, naaresto ng mga law enforcers ang tatlong babaeng anak ng Abu Sayyaf leader na si Hatib Hajan Sawadjaan noong Feb. 19 habang sa isa pang operasyon sa Jolo, Sulu, naaresto naman si Nudsza Ismanu Aslun, widow ni ASG member Alias Jabar; at Nurshahada Isnain, asawa ni Alias Akram —na pinagkakatiwalaang tagasunod ni ASG sub-leader Mundi Sawadjaan.

Ang iba pang mga personalidad na nasa ilalim sa kustudiya ng gobyerno ay sina Linda Darun Maruji, Risa Jhalil, at Sharifa Rajani.

Nabatid na naaresto ang siyam na mga babae dahil sa illegal possession of explosives, kung saan nakuha rin ang mga kagamitan para sa pag-gawa ng improvised explosive devices, gaya ng blasting caps, suspected ammonium nitrate fuel oil, at detonating cords.

Sinabi naman ni Lt. Gen. Corleto Vinluan, chief ng Western Mindanao Command, na ng mga naaresto ay matagal na umano nilang minamanmanan.