Close

9 patay sa pag-araro ng kotse sa mataong lugar sa China

Sponsor ads


Patay ang siyam na tao habang sugatan ang 46 na iba nang araruhin ng isang kotse ang mataong lugar sa Hengyang city sa China.

Ayon sa inisyal na ulat, pinaniniwalaang sinadya ng suspect na tinukoy lang sa pangalang Yang ang pagragasa sa Miijiang square sa naturang lungsod.

Gayunman, hindi pa matiyak ang motibo ni Yang sa kanyang ginawa habang sa kasalukuyan ay patuloy pa siyang iniimbestigahan ng mga otoridad.

Ilan sa mga sugatan ang inoobserbahan pa sa pagamutan.