Close

9 na female enterpreneurs sa Pilipinas, kinilala sa 2018 AWEN awards

Sponsor ads


Kinilala ang 9 na Pilipinang negosyante sa Asean Women Entrepreneurs Network's Asean Women Entrepreneur Award ceremony sa Bangkok, Thailand.

Kinilala ang mga awardees dahil sa kanilang nakakabilib na business practices.

Kabilang na dito sina Cherrie Atilano ng Agrea Agricultural Systems International; Natividad Cheng ng Uratex Group of Companies; Imelda Ahalul-Dagus ng Dennis Coffee Garden; Maria Montserrat Iturralde-Hamlin ng TeamAsia; Octavia Hizon ng Hizon's Restaurant & Catering Services; Jeannie Javelossa ng Great Women Philippine Corp. and ECHOstore; Edilee Omoyon ng Milea Bath & Body Wellness Essentials; Olive Puentespina ng Malagos Farmhouse and Carlota Manalo-Tan ng Wendy's Philippines.

Sinimulan ng AWEN ang Asean Women Entrepreneur Award para bigyan parangal ang mga natatanging entrepreneurs na nagpapahalaga sa patas, at gender-sensitive labor practices, at nagdulot ng impluwensya sa lipunan sa pamamagitan ng kanilang commitment, vision at leadership.

Mababatid na naging sentro ng AWEN ang Philippines Women Entrepreneurs Network sa nakalipas na dalawang taon.

Umiikot ang AWEN leadership sa mga Asean member states at ngayon ay nagsisilbi bilang chair ang Thailand para sa taong 2018 at magtatapos ito sa 2020.