Close

9 na bayan sa E. Samar, nakasailalim sa state of calamity

Sponsor ads


Nakasailalim ngayon sa state of calamity ang siyam na bayan sa Eastern Samar matapos na hagupitin ng Typhoon Ambo.

Ayon kay Governor Ben Evardone, ito ay ang mga bayan ng Maslog, Jipapad, Arteche, San Policarpio, Oras, Dolores, Can-avid, Taft, at Sulat.

Ang mga bayang ito umano ang matinding naapektuhan ng bagyo.

Una nang sinabi ni Evardone na maraming imprastraktura ang nasira dahil sa bagyo gaya ng mga evacuation centers, classrooms, at mga simbahan.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, tinatayang 96,335 pamilya o 366,434 indibidwal ang apektado ng Ambo sa 259 siyudad at munisipalidad sa Regions I, II, VII, at CAR.

Nakapagtala naman ng 54 kataong sugatan sa Regions III at VIII.