Close

9 American Mormon community members, patay sa Mexico

Sponsor ads


Patay ang 3 babae at 6 na bata mula sa komunidad ng American Mormons sa northern Mexico dahil sa pananambang umano ng notoryus na mga drug traffickers at bandido sa lugar.

Ayon Julian Lebaron, isang aktibista na kumokondena sa criminal groups at kaanak ng isa sa mga biktima, na bumabyahe ang kanyang pinsan kasama ang 4 na bata papuntang airport nang pagbabarilin ito sa Rancho de la Mora, na malapit lamang sa US border.

Sinabi ni Lebaron na sinunog ang van ng kanyang pinsan habang nasa loob pa ang mga biktima.

Kalaunan ay meron pang 2 sasakyan ang natagpuan sa lugar kung saan ay makikita ang mga bangkay ng 2 babae, at ng 2 bata na tinatayang nasa 10-taong gulang.

Sinabi rin ni Lebaron na may 5 naman mga bata, kabilang na ang isa na sugatan mula sa pamamaril, ang nakatakas at nakapaglakad pauwi habang meron isang batang babae ang napaulat na nawawala matapos nitong tumakas papunta sa kakahuyan para magtago.

Dati na rin naging target ng pag-atake ang kapatid ni Lebaron na si Benjamin, na founder ng crime fighting group na kung tawagin ay SOS Chihuahua.

Pinatay si Benjamin noong 2009 matapos nitong pangunahan ang mga protesta laban sa pagkidnap ng kanyang 16-anyos na kapatid, na kalaunan ay napakawalan rin na walang binabayad na ransom.