Close

84-anyos na lolo mula California 'world's oldest male bodybuilder' - GWS

Isang 84 year old great grandfather mula California ang itinanghal ng Guinness Book of World Records bilang isang world's oldest male bodybuilder.

Kinilala ang nakasungkit ng world record na ito na si Jim Arrington, isang 70 year professional bodybuilder.

Ayon kay Warrington, buong buhay niya umano ay gusto niyang makilala sa buong mundo bilang isang magaling na body builder sa pamamagitan ng pagsali sa mga kompetisyo.

Dagdag ng professional bodybuilder, ang kilalanin umano ng Guinness World Records bilang isang world's oldest male bodybuilder ay isang karangalan hindi lamang sa kaniya kundi pati na rin sa kaniyang pamilya.

Sa 70 taon umano na kaiyang pagiging bodybuilder, 62 ang kaniyang patimpalak na sinalihan at 16 dito ang kaniyang napanalunan.

Payo ni Warrington upang maging isang healthy at succesful na bodybuilder dapat na magkaroon muna ng specific goals sa buhay, maging masipag at matiyaga, kumain ng mga high proyein foods, bawasan ang pagkain ng mga fat and carbohydrate meal at sundin ang tamang body builder routine. // Shaina Galvez (OJT)

(photo grab@UPI)