Close

8 patay sa school shooting sa Brazil

Sponsor ads


Walong katao ang patay matapos ang naganap na pamamaril sa isang eskwelahan sa south-eastern Brazil.

Ayon sa ulat, dalawang armadong lalaki na nakasuot ng hoodie ang pumasok sa State School Raul Brasil sa bayan ng Suzano at pinagbabaril ang mga estudyante at staff sa loob.

Kabilang sa mga nasawi ay limang estudyante, dalawang school officials, at may-ari ng isang shop malapit sa eskwelahan na pinagnakawan ng mga suspek ng sasakyan.

Mahigit 10 katao naman ang sugatan sa pag-atake.

Kinumpirma ng mga pulis na pinatay ng mga suspek ang kanilang sarili matapos ang pag-atake.

Napag-alamang mga dating estudyante ng nasabing eskwelahan ang dalawang salarin na may edad na 17 at 25.

Isang revolver, pana, at ilang mga hinihinalang kagamitang pampasabog ang narekober sa pinagyarihan ng pamamaril.

Samantala, inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa eskwelahan.