Close

8 patay sa paghagupit ng cyclone sa Eastern India

Sponsor ads


Walong katao ang patay sa pananalasa ng malakas na cyclone sa eastern India.

Dumaan ang cyclone Titli sa coastal areas ng Orissa at Andhra Pradesh states taglay ang lakas na hanging papalo sa 150 km kada oras.

Nasa 300,000 katao umano ang inilikas mula sa low-lying districts sa Orissa.

Ayon sa mga otoridad, di madaanan ang maraming highways at walang kuryente sa maraming areas.

Tinatayang nasa 400,000 hanggang 500,000 katao rin ang wala ngayong kuryente.

Kinumpirma rin ng mga otoridad na lahat ng walong nasawi ay mula sa Andhra Pradesh.

Nagkakaubusan na rin umano ng inuming tubig sa maraming lugar.