Close

8 inmates, pumuga sa Lamitan, Basilan

Sponsor ads


Patuloy na tinutugis ng mga pulis at militar ang 8 preso na pumuga mula sa Lamitan City Jail nitong Linggo.

Sinabi ng hepe ng Lamitan City PNP na posibleng armado ang 2 sa 8 suspek na nakatakas mula sa bilangguan.

Kabilang sa mga nakatakas ay kinilala bilang sina: Arman Acalul, Jemar Usman, Alpa Julasbi, Moumar Ima, Muamar Gandali, Norman Bisal, Roderick Agang, at Taha Morales

Napag-alaman na isa sa mga bilanggong nakatakas ay may kasong murder habang ang 7 iba pa ay nakulong dahil sa paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Base sa ulat ay humingi ng permiso ang inmates na sina Gandali at Bisal sa naka-duty na jail guard na payagan silang magtapon ng basura.

Dahil diyan ay inutusan ng jail guard ang trustee o ang pinagkakatiwalaan bilanggo ng Lamitan City Jail na si Morales na buksan ang lock.

Kalaunan ay kinuha nina Gandali at Bisal ang dalawang armas na may lamang bala mula sa bakanteng kulungan at pagkatapos ay tumakbo papunta sa hindi pa malamang direksyon kasama ang 6 na iba pang bilanggo.


(Phot: Richard Falcatan/Rappler)