Close

8 Cameroon athlete na sumabak sa torneo, missing sa Australia

Sponsor ads


Walong atleta ng Cameroon na sumabak sa Commonwealth Games sa Australia ang nawawa at patuloy na pinaghahanap.

Ayon sa team, 5 boksingero at 3 weightlifters ang 3 araw nang nawawala mula sa kabuuang 24 na kanilang atleta.

Sinabi ni Cameroon team spokesman Simon Lyonga na karamihan sa mga nawawalang atleta nila ay umalis patungo sa hindi malamang direksyon habang karamihan sa kanilang mga kasamahan ay natutulog.

Napag-alaman na sa May 15 pa mag-i-expire ang visa ng mga naturang atleta kaya maaari pa silang manatili nang legal sa Australia.

Kaugnay nito, nilinaw ni Commonwealth Games Federation CEO David Grevemberg na hanggang valid ang visa ng mga atletang nawawala ay mananatiling isyu ito ng kanilang team.