Close

7th straight win ng Nuggets, nakamit kontra Magic sa score na 124-118

Sponsor ads


Mahirap ang naging daan ng bumibisitang Denver Nuggets bago nito nakamit ang ika-pito sa magkakasunod na panalo sa overtime match kontra Orlando Magic na nagtapos sa score na 124-118.

Tatlong puntos ang lamang ng Nuggets sa huling siyam na segundo ng 4th quarter nang magawa ni Terrence Ross ng Magic na maipasok ang kanyang 3-point shot, na dahilan upang pumasok sa OT ang basketball game.

Nanguna sa Denver si Jamal Murray sa kinolekta niyang 31 points at 8 assists habang sina Paul Millsap at Nikola Jokic naman ay nag-ambag ng 18 at 12 points.

Nagbigay naman si Evan Fournier ng 26 points para sa Orlando ngunit kalaunan ay na-foul out siya na may natitirang 2 minuto sa overtime.

21 beses na nag-agawan sa lead ang dalawang kuponan at wala sa kanila ang nagpalamang ng mahigit anim na puntos sa 3rd at 4th quarters.

Mababatid na ito na ang pangatlong talo ng Magic sa loob ng limang laro.