Close

76ers tinambakan ang Nets para itabla ang serye

Sponsor ads


Tinambakan ng Philadelphia 76ers ang Brooklyn Nets upang itabla ang serye 1-1 sa Eastern Conference sa score 145-123.

Nakuha ng 76ers ang playoff quarter high na 51 points sa ikatlong yugto ng laban.

Ang 51-point quarter ng Philadelphia ay huling nairecord ng Los Angeles Lakers kontra Detroit Pistons noong March 31, 1962.

Nanguna sa panalo ng Philadelphia si Joel Embiid matapos itong magtala ng 23 points at 10 rebounds habang may dagdag naman Ben Simmons ng 18 points.

Maalat naman ang first five ng Brooklyn dahil tanging DeAngele Russel lamang ang nagtala ng double figures sa mga ito na may 16 points.