Close

76ers, nilampaso ang Hawks

Sponsor ads


Muling ipinamalas ng Philadelphia 76ers ang kanilang bagsik sa basketball matapos lampasuhin nito ang Atlanta Hawks sa score na 121-113 sa nagpapatuloy na Eastern Conference playoff.

Pinangunahan ni JJ Redick ang 76ers na kumamada ng 28 points.

Bago ang fourth quarter ng laro lamang na ang Philadelphia sa Hawks sa score na 89-79.

Nagawa pa ng Atlanta na putulin ang lamang sa limang puntos sa pamamagitan ng dunk ni John Collins subalit hindi ito umobra para pataubin ang 76ers.

Tinapos naman ni Ersan Ilyasova ang laro sa pamamgitan ng layup.

Si Ilyasova ay nakapagtala ng 26 points habang si Marco Belinelli ay nag-ambag ng 20 para sa Philadelphia.