Close

7.5M, tourist arrival target sa Boracay, mananatili

Sponsor ads


Target pa rin ng Department of Tourism ang 7.5 million tourist arrivals sa Boracay para ngayong 2018 sa kabila ng nakatakdang pagpapasara sa isla.

Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, walang mangyayaring adjustment sa tourism target para sa naturang isla

Giit ni Teo, marami pang produkto ang DOT na maaring ialok at hindi umano dapat isipin na kapag sinara ang Boracay ay wala nang tourism.

Samantala, minommonitor ng DOT ang rebookings ng mga turista mula sa Boracay para sa ibang desinasyon sa bansa tulad ng Bohol, Cebu at Palawan.

Matatandaan na ipinasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng anim na buwan ang Boracay matapos ang rekomendasyon ng DOT, Department of Environment and Natural Resources at Department of the Interior and Local Government upang bigyang daan ang gagawing rehabilitasyon sa isla.