Close

7 pasahero, patay;8 nawawala sa lumubog na bangka sa Malaysian boarder

Sponsor ads


Pito katao ang nasawi at walo naman ang pinaghahanap pa matapos lumubog ang isang bangka sa Siamil malapit sa boarder ng Malaysia noong July 30.

Ayon sa Philippine Coast Guard, isa lamang ang nakaligtas sa insidente at karamihan naman sa mga biktima ay pawang mga menor-de-edad.

Ang labi ng pitong nasawi ay tila naaagnas na nang matagpuan na mga lokal na mangingisda sa Sitangkai reefs sa Tawi tawi.

Agad ring inilibing ang mga labi alinsunod sa tradisyon ng mga muslim.

Iginiit naman ni PCG Spokesman Captain Armand Balilo na patuloy ang pagsasagawa nila ng search operations upang mahanap ang mga nawawalang pasahero na residente ng Tawi tawi.

Sanib pwersa rito ang PCG, militar, pulis at ang lokal na pamahalaan.