Close

7 katao arestado sa pot session sa Batangas

Sponsor ads


Pitong lalaki ang naaresto sa Batangas na nahuli sa aktong nagpopot-session.

Ayon kay Chief Inspector Leopoldo Ferrer Jr., nakaramdam ang ilan sa mga suspek sa ikinasang buy bust operation kaya agad itong tumakbo sa lima pa nilang kasamahan kung saan nahuli ang ilan pang suspek.

Kinilala ang mga ito na sina Nelson Balmes, Hilario Cortiñas, June Bayer, Rommel Cariño, Leo Asi, Noel Bayer at Joven Custodio.

Kaugnay nito ang 12 pakete ng hinihinalang shabu ang nasabat mula sa mga suspek pati na mga pera at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon ang pito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.