Close

7 bloke ng hinihinalang cocaine, nasabat sa dalampasigan ng Mauban, Quezon

Sponsor ads


Nasabat ng mga awtoridad ang 7 bloke ng hinihinalang cocaine mula sa dalampasigan ng Mauban, Quezon.

Ayon sa ulat, rumesponde ang mga tauhan ng Mauban Municipal Police Station na pinangungunahan ni Police Lt. Col. Julio Reyes Go lugar nang makarating sa kanila ang report ng isang concerned citizen tungkol sa mga natagpuang gamit.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nasa 7 kilos ang timbang ng mga bloke ng hinihinalang cocaine, at tinatayang nasa P35-million ang halaga.

Sinabi naman ng mga awtoridad na ang Quezon province PNP Crime Laboratory muna ang hahawak sa mga bloke habang dumadaan ito sa pagsusuri.

Unang natagpuan ang mga bloke habang nagpi-picnic ang isang pamilya sa dalampasigan ng sitio Bulwagin, Barangay Cagsiay 1 sa Mauban.