Close

7-South Carolina prisoners, patay sa gulo sa kulungan

Sponsor ads


Pitong preso ang patay matapos sumiklab ang gulo sa South Carolina prison sa America.

Ayon kay Bryan Stirling, Director of corrections, lumabas sa inisyal na imbestigasyon na ugat ng sigalot ng mga preso ang teritoryo, mga kontrabando at cell phones.

Unang sumiklab ang gulo sa isang dorm na mayroong 250 inmates habang bago pa man makaresponde ang mga kinauukulan ay sumiklab na din ang guro sa dalawa pang dorms.

Samantala, maliban sa mga namatay, 17 iba pang inmates ang nasugatan habang wala namang naiulat na nasaktang officers ng kulungan.

Dahil dito, hiniling ng South Carolina officials sa Federal Communications Commission na payagan silang i-block ang cell phone signals sa loob ng kulungan.