Close

68% mga bahay sa SoCot, may food garden

Sponsor ads


KORONADAL CITY- NASA 68% na mga kabahayan sa lalawigan ng South Cotabato ang mayroong food gardens ayon kay Community Welfare Development Division Chief at Provincial Nutrition Action Officer Maria Ana Uy.

Ang Food Gardens ay yaong mga tanim na gulay, prutas, punongkahoy, crops, mga herbs at inaalagaang hayop sa bakuran para sa personal consumption ng pamilya o para sa dagdag na income.

Batay sa 2017 Barangay Profile Survey na isinagawa ng mga Barangay Nutrition Scholars, 125,000 ng at least 200,000 na mga households sa South Cotabato ay mayroong food gardens.

Ngunit ito ay mababa kung ihahambing sa target ng lalawigan na 80%.

Ang food gardens umano ayon kay Uy ay nakatulong sa pagpapatatag ng nutritional status ng mga kabataan, food security, food diversity at nakatulong din umano upang maibsan ang kakulangan sa pagkain sa panahon ng kalamidad. (Arjean Bautista-Gasis)