Close

6 pregnant women, positive sa Zika virus

Patuloy na inoobserbahan ngayon ng mga health officials ang kalagayan ng anim na buntis sa Harris county, Texas, matapos magpositibo sa mosquito-borne disease na Zika.

Ayon sa Legacy Community Health, maliban sa pasyente, tinututukan din sa ngayon ang kondisyon ng kanilang mga sanggol sa posibleng epekto ng virus. Napag-alaman na ito ang kauna-unahang insidente na may nakumpirmang kaso ng Zika virus sa naturang lugar.




Base sa pagsusuri, natukoy din ng parehong mayroong travel history ang mga pasyente, kung saan pinaniniwalaang nahawa ang mga ito.

"The threat of Zika is lower this year than last in our hemisphere, but as our six latest cases show, pregnant women in Texas should remain vigilant," ayon kay Ann Barnes, Legacy's chief medical officer.