Close

6 patay sa pamamaril sa California

Sponsor ads


Patay ang anim na katao kasama ang suspek, matapos mamaril ang isang lalaki sa iba't ibang lugar sa Bakersfield, California.

Ayon kay County Sheriff Donny Youngblood, may nakasagutan umano ang suspek na noo'y kasama ang asawa tungkol sa negosyo kung saan binaril niya ang nakaalitan at isinunod ang asawa.

Dagdag pa ni Sheriff Youngblood, nakapatay pa ang suspek ng 3 pang sibilyan sa tatlong magkakaibang lugar hanggang magmaneho ito sa isang highway at lumapit sa isang police patrol kung saan siya nagbaril sa sarili.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang motibo ng suspek sa pamamaril.

Kasalukuyan namang kinekwestyon ng mga awtoridad ang 30 testigo sa kaso. // Liam Eustaquio-OJT