Close

6 na BIFF member, patay sa surgical military ops sa Maguindanao

Sponsor ads


NAGPAPATULOY ang surgical military operation ng Philippine Army sa mga bayang sakop ng SPMS box sa lalawigan ng Maguindanao.

Sa panayam ng Brigada News FM Cotabato kay 6th ID Commanding General, M/Gen. Cirilito Sobejana, sinabi nitong nasa anim na myembro na ng pinaniniwalaang BIFF ang nasawi habang isa naman sa hanay ng militar ang nagbuwis ng buhay sa nasabing operasyon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Karim Binua, Munir Masdal, Ganih Lantih, Bukhari Samad at Sanday Musib at dalawa pa ang patuloy na kinukumpirma ngayon ng militar.

Ang nasabing mga rebelde ay pawang mga tagasunod umano ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife at Kumander Kagi Karialan na sinasabing namataan sa nasabing lugar.

Kabilang sa mga bayan na inatake ng military ay ang ilang mga barangay sa Sharif Saydona, Sharif Aguak, Mamasapano, Datu Salibo at Datu Saudi Ampatuan.

Nakiusap naman ang Heneral sa mga sibilyan sa lugar na iwasan munang lumabas sa kanilang mga kinalalagyang evacuation center upang hindi maipit sa naglalabang pwersa ng Pamahalaan. – Jom Dimapalao – BNFM Cotabato