Close

6 NPA member, sumuko sa peace rally sa Sultan Kudarat

Sponsor ads


KORONADAL CITY - Anim na mga miyembro ng mga rebeldeng New People's Army (NPA) ang sumuko kasabay ng peace rally na isinagawa sa Barangay Sto. Niño, Sultan Kudarat.

Galing umano ito sa Yunit Militia (Yumil) Platoon Arabo, Guirella Front 73 ng Far South Mindanao Region.

Ang 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army pa rin ang nanguna sa pagsuko ng anim sa pamamagitan ng koordinasyon sa local government unit ng Bagumbayan.

Kaugnay nito, 430 na mga mass base supporter ng grupo ang bumawi ng kanilang suporta sa NPA sa isinagawang peace rally.

Inihayag naman ni Lt. Col. Harold Cabunoc, commanding officer ng 33rd IB na ang "good governance" ang susi para magtagumpay sa giyera laban sa lawless elements kagaya ng NPA. (Girlie Narciso-Solis)