Close

6, patay sa pag-aamok ng dating sundalo sa Calbayog, Samar

Sponsor ads


Patay ang anim na tao habang sugatan ang 2 iba pa sa Samar matapos ang pamamaril ng isang dating sundalo na nag-amok sa Calbayog City, Samar.

Kinilala ng Samar Philippine National Police ang suspek sa pangalang Glen Balunan, na nasawi matapos makaengkwentro ang mga rumespondeng pulis.

Ayon sa ulat, napatakbo at napasigaw ang residente na si Florencia Saldana matapos pagbabarilin ang mga anak at iba pang kaanak nito ng dating sundalo.

Nagtungo naman ang mga residente sa bahay ni Saldana kung saan ay tumambad sa kanila ang mga duguang biktima na nakahandusay sa sahig.

Sa pamamagitan ng mga trycicle ay nadala pa sa ospital ang mga biktima.

Ayon sa mga pulis, tig-isang tama ng baril ang tumapos sa buhay ng dalawang anak ni Saldana na kinilala bilang sina Carlo at Gary.

Sinabi ni Samar PNP Director Colonel Andre Dizon na nasa ilalim ng impluwensya ng alak si Balunan nang mag-ikot ito sa kanilang purok at nag-baril sa kahit sino na kanyang madaanan.

Ipinunto rin ni Dizon na kilala ang suspek bilang "troublemaker" sa kanilang lugar kung saan ay dati itong nasangkot sa gulo nang kanyang pagtatagain ang mga sasakyan at tricycle sa lugar.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa krimen.