Close

6% GDP growth, hindi masama ayon sa Trade Sec

Sponsor ads


Iginiit ni Trade Secretary Ramon Lopez na hindi na masama ang 6% na gross domestic product.

Sa katunayan aniya ay maikokonsidera pa ito bilang isa sa pinaka-malakas na paglago na naranasan ng bansa kaya hindi ito dapat tignan sa negatibong paraan.

Ayon pa kay Lopez, ang uri ng paglagong ito ay nangangahulugang umuunlad ang ekonomiya, at kasunod naman nito ay ang pagdami ng oportunidad na makapagnegosyo.

Bukod pa rito ay hinimok ng kalihim ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang kasipagan, at ang mga walang trabaho naman ay dapat aniyang mag-aral upang makapagtrabaho nang sa gayon ay bumaba rin ang unployment rate.