Close

55 Palestinian, patay sa Gaza sa opening ng US embassy sa Jerusalem

Sponsor ads


Pumalo na sa 52 Palestinian ang patay matapos atakihin ng Israeli forces sa kasagsagan ng pagbubukas ng US embassy sa Jerusalem.

Ito na ang kinukunsiderang deadliest day of violence simula noong 2014 Gaza war.

Anim na linggo nang nagpoprotesta ang mga Palestinians kontra sa paglilipat ng embahada ng Estados Unidos sa Jerusalem.

Maliban sa mga nasawi, umabot na rin sa 2,400 Palestinians ang sugatan sa kaguluhan.

Pero pinuri naman ni US President Donald Trump ang hakbang na ito.

Ayon kay Trump, nananatiling committed ang US sa pagsusulong ng pangmatagalang peace agreement.




Image from: Dawn.com