Close

50 Hamas, patay sa demonstrasyon sa Gaza

Sponsor ads


Iginiit ng Senaior member ng Hamas' political bureau na mga miyembro nila ang 50 taong pinatay ng Israeli soldiers sa sagupaan sa Gaza.

Sinabi ni Salah al-Bardaweel ng Hamas na opisyal na bilang ng mga namatay sa lugar ay 62 kung saan limampu dito ay kanila habang ang 12 na iba pa ay iba grupo na.

Sinang-ayunan naman ito ni Israel Defense Forces Spokesman Jonathan Conricus kung saan itinuring niyang hindi payapang protesta ang nangyari.

Samantala, sinabi ni Hamas Spokesman Abdel Latif Quanau na hindi niya kinukumpirma o itinatanggi ang bilang ng mga fatalities na iniuugnay sa Hamas.