Close

5 turista, patay sa matinding hail storm sa Greece

Sponsor ads


Patay ang limang turista dahil sa matinding hail storm sa northern Greece.

Ayon sa ulat, nasawi ang isang Czech couple matapos na hagupitin ng isang malakas na hangin ang kanilang caravan.

Isang Russian naman at anak nitong lalaki ang namatay nang mabagsakan ng puno.

Kabilang din sa mga nasawi ang isang babae mula sa Romania na nahulugan ng debris mula sa isang gusali.

Samantala, pinangangambahan ng mga otoridad ang posibilidad na mayroon pang isang biktima dahil sa hail storm na tumama sa rehiyon ng Khalkidiki malapit sa siyudad ng Thessaloniki.