Close

5 spies, pinatay ng Somali militant group na al-Shabab

Sponsor ads


Inanunsyo ng Somali militant group na al-Shabab na mayroon silang pinatay na limang pinaniniwalaang spy kung saan ang isa ay mula sa United Kingdom.

Ayon sa jihadi website, umamin ang nasbaing British na nagbibigay sya ng impormasyon sa intelligence services tungkol sa mga supporters ng al-Shabab group na nakatira sa UK.

Nasa 22 hanggang 36 ang edad ng limang kalalakihang binaril sa isang public execution nitong Martes sa area na kontrolado ng Islamist group.

Ang isa pang biktima ay nagtatrabaho umano para sa Somali government.

Ito ay pinaniniwalaang naglagay ng device sa isang sasakyan sa al-Shabab convoy na tumulong sa American drones na magsagawa ng air strike.

Ang natitira namang tatlong lalaki ay pawang mga US spies na tumulong sa mga drones para magsagawa ng strikes sa Somalia.