Close

5 sa 10 pinoy pabor sa mandatory drug test sa HS

Sponsor ads


Mahigit lima sa sampung pinoy ang sang-ayon sa mandatory drug testing sa mga estudyante ng high school.

Ito ang lumabas sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa Setyembre 15 hangang 23 ngayong taon.

Batay sa naturang survey 51 percent ng mga Pilipino ay pumabor na magkaroon ng drug testing sa mga estudyante mula Grade 4 pataas.

Samantala 36 percent naman ang hindi pumabor sa naturang panukala habang 13 percent sa mga natanong ay hindi na nagkomento.

Isinagawa ng SWS ang naturang pag-aaral kasunod ng proposal ng Philippine Drug Enforcement Agency na magsagawa ng mandatory drug testing sa lahat ng estudyante ng sekondarya.