Close

5-pound avocado, pinakabagong world's heaviest ng Guinness

Sponsor ads


Pormal nang pinangalanan ng Guinness World Records ang avocado na pagmamay-ari ng isang babae sa Hawaii bilang world's heaviest.

Nabatid na nasa 5 pounds ang bigat nito at 3.6 ounces ang naturang prutas na pagmamay-ari ni Pamela Wang

"When I got the email from Guinness World Records saying the avocado had [achieved the record], I caught myself gleefully grinning. As I shared the news that indeed this avocado had really set a world record, I was also humbled," saad ni Wang.

Ayon kay Wang, nakita niya ang record-breaking avocado habangnaglalakad sa Kealakekua, malapit sa Konawaena High School noong November 26.

"I see avocados every day and I pick up avocados every day, but this one ... it was hard to miss," giit pa ni Wang. "It was as big as my head."

Dahil dito, natalo nito ang nakaraang record holder para sa pinakamabigat na avocado, na nanatiling 'unbeaten' sa loob ng walong taon na may bigat na 4 pounds, 13.2 ounces.