Close

5 patay dahil sa malakas na ulan sa China

Sponsor ads


Patay ang lima katao sa Southern China dahil sa malakas na pag-ulan.

Maliban sa nasawi ay libu-libo katao naman ang stranded at daan-daang kabahayan ang nawasak.

Naapektuhan rin ang 10,800 ektarya ng pananim na nasira dahil sa pagbaha at malakas na hangin.

Sa tansta ng pamahalaan ng China, nasa higit 1.4 milyong katao na ang apektado ng sunud-sunod na pag-ulan.

Pinag-iingat rin ng pamahalaan ang publiko dahil ayon sa meteorological administration ng China, posibleng tumagal pa ang ulan ng tatlong araw