Close

5 indoor plants na magbibigay ng magandang quality air

Sponsor ads


May mga tanim na talaga namang maganda para sa loob ng bahay.

Pero ito ay hindi lang basta dekorasyon kundi nagbibigay rin ng magandang kalidad ng hangin sa loob ng tahanan.

Maliban dito, ang pagkakaroon ng tanim o halaman sa loob ng bahay ay nagpapanatili sa malinis na hangin sa loob.

Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Aloe Vera

Akala mo bay ang tanim na ito ay para lang sa pagpapaganda ng buhok? pero alam niyo ba na ang aloe vera ay mayroong maraming nutrients sa mga dahon nito, dahilan para maging maganda rin ito sa loob ng ating bahay.

2. Ficus / Weeping Fig

Itong halamn naman ito ay tumutubo hanggang sa taas na 2-10 feet tall kung saan sinasabing tinatanggal nito ang mga pollutants sa hangin gaya ng benzene, formaldehyde, at trichloroethylene.

3. Boston Fern

Marahil ay nakikita niyo ito sa maraming lugar o kahit saan siguro. Maliban sa ibinibigay nitong simple at aesthetic vibe, ito rin ang sinasabing best plants na nagtatanggal ng formaldehyde mula sa hangin.

4. Rubber Plant

Sa kabila naman na ang hitsura ng halamang ito ay parang rubber o fake plant, epektibo naman it sa pagtanggal ng formaldehyde sa hangin.

5. Bamboo Palm

Ito ay hitsurang palm trees ngunit mas manipis at mas profound. Ito ay naglalabas ng Chrysalidocarpus, na isang natural humidifier.