Close

5 bata, patay sa sunog sa isang day care sa Pennsylvania

Sponsor ads


Patay ang limang bata matapos na masunog ang isang day care center sa loob ng isang residential building sa Pennsylvania.

Ayon sa ulat, naireport ang sunog sa Eerie, isang bayan sa northwest lake ala una ng madaling araw ng Linggo.

Nasa walong buwan hanggang pitong taong gulang ang mga biktima.

Batay sa kwento ng lola ng apat na mga batang biktima, iniwan muna ang mga bata sa day care dahil magtatrabaho ang mga magulang nito ng overnight.

Dalawang lalaki at dalawang babae ang kanyang mga apo at halos isang taon nang iniiwan sa nasabing day care.

Agad namang isinugod sa ospital ang may-ari ng establisyemento dahil sa tinamong sugat sa sunog kasama ang isa pang kapitbahay na sugatan din.

Kaugnay nito, sinabi naman ng Chief Fire Inspector na nagsimula ang sunog sa living room area sa unang palapag.