Close

5 BIFF member, 1 sundalo patay sa panibagong engkwentro sa Maguindanao

Sponsor ads


COTABATO CITY – Nasa limang pinaniwalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang napatay sa military operation sa bayan ng Datu Unsay at Datu Hoffer sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ni 6th ID Spokesman Army Captain Arvin Encinas ang mga nasawi na sina Norman Aber at nakilalang alyas Mansor na sinasabing narekober mismo ng mga otoridad ang kanilang mga bangkay sa mismong encounter site, Yasser Yusoph, Mutin Talib at isang alyas Mamalo.

Una umanong umatake ang grupo ng mga rebelde sa posisyon ng militar na napaghandaan naman ng militar.

Sa bahagi naman ng Ligawasan marsh, napaslang ang isang Pfc Garry Quitor, 27, na residente ng Pigcawayan, North Cotabato matapos nakasagupa ng tropa ng Daesh Terrorist Group sa nasabing lugar.

Sinabi sa Brigada News FM Cotabato ni 33rd IB, Philippine Army Commander Lt. Col. Harold Cabunoc na ang napaslang na si Pfc Quitor ay kabilang sa Alpha Company ng 33rd IB na pinamunuan ni 1st Lt. Alessandro Cruzada na nakatakadang dalhin ang mga labi sa kanilang lugar sa Pigkawayan. BNFM Cotabato