Close

4th tranche ng salary hike para sa mga guro, ilalabas na sa Feb

Sponsor ads


Kinumpirma ng Department of Budget and Management na ibibigay na sa susunod na buwan ang fourth at last tranche ng salary increase para sa mga guro.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, makakatiyak umano ang mga guro na matatanggap na nila ang dagdag sahod sa Pebrero at magiging entitled rin ang mga government employees ng kanilang salary differential.

Giit kasi ni Diokno, dahil sa pronouncements ng Kongreso na magiging prayuridad nila ang pagtalakay sa budget sa pagbabalik ng kanilang sesyon sa susunod na linggo, inaasahan umano nilang malalagdaan na ang General Appropriations Act sa unang linggo ng susunod na buwan.

Una nang sinabi ng kalihim na pinag-aaralan na umano nila ang pagtaas sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno sa 2020.