Close

4th summit kasama ang North Korean leader, hiniling ng South Korea

Sponsor ads


Inanunsyo ni South Korean President Moon Jae-in na handa na siya para sa ikaapat na summit kasama si North Korean leader Kim Jong Un.

Layon ng nasabing summit na ayusin ang nuclear negotiations sa pagitan ng North Korea at Estados Unidos.

Inilabas ni Moon ang kanyang komento matapos batikusin ni Kim ang South Korea bilang mediator dahil tila mas kinakampihan nito ang Washington.

Hinimok ni Kim ang South Korea na mas kampihan ang pusisyon ng North Korea kaysa sa US.

Sinabi ni Moon na umaasa siya na muling makapag-usap ang North at South upang matalakay ng mga ito ang mga bagay na magbibigay sa kanila ng progreso na mas higit pa sa napagtagumpayan nila sa nakalipas na dalawang summits ng North Korea at US.

Matatandaan na nagkita muli sina Kim at US President Donald Trump sa Vietnam noong Pebrero ngunit nabigo lamang ang summit matapos hindi magkasundo ng parehong leader kaugnay sa pag-lift ng US sanctions kapalit ng limitadong pagdisarma sa nuclear weapons ng North Korea.