Close

42 points ni LJ, nagdala sa come-from-behind win ng Lakers kontra Spurs

Sponsor ads


Kumolekta ng 42 points si LeBron James, kabilang na ang magkakasunod na 14 points niya sa nangyaring come-from-behind win ng Los Angeles Lakers kontra San Antonio Spurs na nagtapos sa score na 121-113.

Ilang beses din nag-unahan sa puntos ang Lakers at Spurs sa buong 4th quarter hanggang sa tumabla ang game sa 104 points

Pagsapit ng 2:36 ay naipasok ni Lonzo Ball ang isang 3-pointer na nagbigay ng 107-104 lead sa Los Angeles.

Salamat naman sa steal at pasa ni James ay nagawa ni Kyle Kuzma na maipasok ang kanyang lay-up na nagbigay ng 5 point advantage sa Lakers.

Habang lamang ang Los Angeles sa score na 112-109 ay naitarak ni James ang kanyang 3-pointer at lay up sa dalawang posessions ng Lakers at free throw na may 20.8 seconds na natitira sa laro.

Hindi naging sapat ang 32 points ni DeMar DeRozen at season-high 31 points ni Rudy Gay para isalba ang laro ng Spurs.