Close

400 gasoline stations nagpataw na n g excise tax,

Sponsor ads


Kinumpirma ng Department of Energy na nasa 444 gasoline stations na ang nagpataw ng excise tax sa produktong petrolyo.

Pinaka-malaking bilang rito ang pagmamay-ari ng Petron kung saan 369 na kompanya na ang nagpatupad ng excise tax.

Sumunod naman rito ang Shell sa 46 na bilang at 29 naman sa Flying-V.

Nilinaw naman ng DOE na hindi nagsabay sabay ang pagtaas ng presyo sa mga produktong petrolyo gaya ng gasolina, diesel at kerosene.
Ito ay dahil naka-depende pa rin sa kung anong produkto ang unang naubusan ng stocks.