Close

4-time world champion Japanese swimmer sinuspendi dahil sa extra-marital affair

Sponsor ads


Pinatawan ng isang taon suspension si 4-time world champion Japanese swimmer Daiya Seto dahil sa pakiki-apid.

Sa inilabas na statement ng Japan Swimming Federation ang parusa ay ipinataw kay Seto dahil sa umano'y paglabag nito sa sportsmanlike conduct standard ng bansa.

Agad naman bumaba ang nabanggit na swimmer bilang team captain ng Japanese Olympic swimming team matapos aminin ang extra-marital affair.

Ilan sa mga highlight ng career ni Seto ay ang pagkakasungkit nito sa 400m individual medley bronze sa Rio Olympics noong 2016.

Siya din ang kasalukuyang 200m at 400m individual medley world champion.

Nilinaw naman ng Japan Swimming Federation na maaari pa rin itong makasali sa Tokyo Olympics sa 2021.