Close

4 na showbiz personalities, sumali sa Miss World PH 2018

Sponsor ads


Apat na showbiz personalities ang sumubok na pumasok sa Miss World Philippines 2018.

Dalawa rito ay first-timers at ang dalawa naman ay mayroon nang hawak na titulo.

Ito ay sina dating Miss Intercontinental Katarina Rodriguez at Miss Earth-Air 2017 Kim De Guzman.

Ang isa naman sa first timer na si Chanel Morales ay inaming fan na siya ng beauty pageants simula noong siya ay bata pa.

Ayon kay Chanel, bukod sa showbiz ay gusto naman niyang magtry ng kakaiba gaya ng pagsali sa Miss World.

Para naman kay Alyssa Muhlach, nais niyang magserbisyo sa publiko dahil naniniwala siya sa katagang "Beauty with a purpose".